Naghintay ng 28 taon ang Phoenix Suns bago nakarektang muli sa NBA Finals. Sinunog ng Suns ang Los Angeles Clippers sa Game 6 ng Western Conference Finals, 130-103.
Bumanat si Chris Paul ng 41 points sa blow-out win ng Suns. Gayundin ng 8 assists, 4 boards at 3 steals. Nag-ambag naman si Devin Booker ng 22 points, 7 boards at 4 assists.
Nagtala si Paul ng 10 points sa first half at 31 points naman sa second half.
Habang si Jae Crowder naman ay bumira ng 19 points at 5 boards. Si Deandre Ayton ng 16 points at 17 boards at 2 blocks.
Sa panig naman ng Clippers, bumanat si Markieff Morris ng 26 points at 9 boards. Habang si Paul George at tumikada ng 21 points, 9 boards at 2 assists.
Dikit lang pabor sa Phoenix ang laro sa first half. Ngunit, rumatsada na ito sa second at tinambakan na ang Clippers.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA