
Tinupok ng Phoenix Suns ang New Orleans Pelicans sa Game 3 ng NBA playoffs West Round 1, 114-111. Lamang na sa serye ang Phoenix, 2-1 sa best-of-7 game. Binuhat ni DeAndre Ayton ang team sa kanyang double-double perfomance.
Gayundin ang 4th quarter takeover lead ni Chris Paul. Bumira si Ayton ng 28 points, 17 boards at 3 steals. Kumana naman si Paul ng 28 points, 14 assists at 4 boards.
Sa panig naman ng Pelicans, lumagare si Brandon Ingram ng 34 points at 7 rebounds. Bumuslo naman si C.J McCollum ng 30 points, 7 assists at 4 boards.
Ang Game 4 ay idaraos sa Lunes sa balwarte pa rin ng Pelicans.
More Stories
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt