April 28, 2024

PHOENIX SUNS, KINULA ANG LOS ANGELES CLIPPERS SA GAME 1 NG WCF, 120-114

Nakauna ang Phoenix Suns kontra Los Angeles Clippers sa Game 1 ng West Conference Finals. Kinula ng Suns ang Clippers sa iskor na 120-114.

Dahil sa panalo, abanse na sa 1-0 seried lead ang Phoenix. Nagbigay din ng good vibes ang panalo ng Suns dahil nahirang na Executive of the Year James Jones.

Nanguna sa panalo ng Suns si Devin Booker na gumawa ng 40 points, 13 boards at 11 assists.
Nag-ambag naman si Deandre Ayton ng 20 points, 9 boards at 2 assists.

Si Jae Crowder naman ay bumira ng 13 points at 6 boards. Sa panig naman ng Clippers, bumuslo si Paul George ng 34 points, 4 boards at 5 assists.

Kumana naman si Reggie Jackson ng 24 points, 5 boards at 4 assists. Bagama’t wala ang kani-kanilang star players, maganda ang inilaro ng bawat team.

HIndi nakapaglaro sa Clippers si Kawhi Leonard dahil sa injury. Si Chris Paul naman ay tengga muna dahil sa ipinatutupad na health protocols ng liga.