April 28, 2024

PHOENIX SUNS, ITINALA ANG 2-0 SERIES LEAD MATAPOS TUPUKIN ANG CLIPPERS SA GAME 2

Nakadalawang panalo na ang Phoenix Suns sa showdown nila ng Los Angeles Clippers sa Western Conference Finals.

Tinupok ng Suns ang Clippers sa iskor na 104-103 sa intense Game 2. Bumuslo si Cameron Payne ng career-high na 29 points, 9 assists at 2 steals .

Nag-ambag naman si Deandre Ayton ng  24 points, 14 boards at 1 block. Si Devin Booker naman ay kumana ng 20 points at 6 assists.

Sa panig naman ng Clippers, gumawa si Paul George ng 26 points, 6 assists at 6 boards. Habang si Reggie Jackson naman ay bumira ng 19 points, 5 boards at 2 assists.

Dahil sa panalo, lamang na sa 2-0 series lead ang Suns. Idaraos naman ang Game 3 sa Huwebes sa balwarte ng Clippers sa Staples Center sa Los Angeles.