
PINANGUNAHAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang paglulunsad ng PhilHealth “Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) para sa mga Mag-aaral” ngayong umaga, 25 November 2025, sa Kapitbahayan Elementary School. Nasa 44,301 na mag-aaral mula elementarya hanggang senior high school mula sa mga pampublikong paaralan sa Navotas ang mabibigyan ng benepisyo sa ilalim ng programa. Binigyang-diin ni Tiangco ang kahalagahan na masiguro ang kalusugan ng bawat batang Navoteño. (JUVY LUCERO)
