Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III na nilagdaan na niya ang dokumento para ilipat sa Pasay City Jail sina Pharmally Pharmaceutical Corp. executives Mohit Dargani at Linconn Ong.
Ito ay matapos na ipinag-utos naman ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagpapakulong kina Dargani at Ong dahil sa kabiguan ng mga ito na makapagbigay ng mga kinakailangang dokumento para sa kanilang imbestigasyon.
Sa ngayon nasa Senate complex sina Dargani at Ong matapos na ma-contempt ang huli dahil sa pagiging evasive at ang nauna naman ay hindi dumadalo sa mga hearings.
More Stories
MEDIA ‘STRONGEST DEFENSE’ VS FAKE NEWS – MARCOS
SEN. CYNTHIA VILLAR GALIT BA SA MURANG BIGAS?
CRISTY FERMIN, OGIE DIAZ SINAMPAHAN NG KASO NI BEA ALONZO