May 7, 2024

PH WOMEN’S VOLLEYBALL TEAM, SASAGUPA SA THAILAND AT JAPAN

vol

Sasalang ang PH women’s volleyball team sa ilang exhibition matches sa Hunyo sa San Juan Arena. Ang nasabing two exhibition matches ay idaraos pagkatapos pumalo ng volleybelles sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF), haharap ang squad sa Thailand. Idaraos ito sa June 11 sa ganap na ika-6:00 ng gabi.

Muling papalo ang Pinay volleybelles sa nasabing venue upang sagupain naman ang Japan/ Gaganapin ang laro sa ganap na ika-4:00 ng hapon. Babandera sa team Pilipinas sina Alyssa Valdez, Jaja Santiago, Aby Marano at iba pa.