Hindi lamang sa court mahusay si volleyball star Rachel Anne Daquiz. Bukod sa pagiging volleyball icon, may ginintuang puso rin si Daquiz.
Katunayan, naghatid ng tulong ang volleybelle sa mga apektado ng nakalipas na bagyong Ulysses. Pinot pa niya ang tungkol dito sa kanyang Facebook account.
“Small Act Of Kindness Goes A Long Way. Stay Strong Rizaleños.”
“Thanks also to my Tita Safia & Tita Diane,” saad ng Cignal HD Spikers volleybelle.

Ang 29-anyos na si Rachel ay taga-Taytay, Rizal na kasalikuyang naglalaro sa Philippine SuperLiga. Ikinatuwa naman ng kanyang mga fans ang kawanggawang ginawa niya.
Katunayan, pinuri siya ng mga ito sa kanilang comments.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo