May 18, 2024

PH vaulter Obeina, lumundag ng tanso sa Athletics Grand Prix sa Poland

Nagtabla si Filipino pole vaulter EJ Obiena at si American Matt Ludwig— sa bronze medal sa Poznan Athletics Grand Prix 2020 sa Poland.

Nagtala ang Olympian na si Obiena ng 5.52 meters sa kanyang second attempt. Kung saan, iyon din ang naitala ni Ludwid.

Rumekta naman sa first at secons runner-up ang local bets na sina Piotr Lisek at Robert Sobera.

Si Lisek, runner-up sa 2017 world championships; ay nagtala ng 5.72m. Habang ang 2016 European champion na si Sobera ay nagtala ng 5.52m sa first attempt nito.

Tinangka ni Obiena na itala ang 5.62m. Ngunit, nabigo siyang gawin ito.

Kasalukuyan ding waitlisted sa Istaff Berlin Continental Tour sa Germany ngayong weekend.

Ang iba pang torneong nakatakdang salihan ni Obeina ay ang Rome Diamond League sa September 17. Gayundin ang  Doha Diamond League sa September 24.