Tangan ang impresibong apat na sunod na kampeonato sa NBA2K Asia Pacific, inaasahang makikipagtagisan ang national team esport basketball sa inaugural DIBA Esports Open 2020 na nakatakdang gawin sa June 19 hanggang 21 sa bagong FIBA Esports Studio sa Riga, Latvia.
Ang seven-man national team na kinabibilangan ni Rocky “Rak” Braña, Philippe “Izzo” Alcaraz IV, Custer “Aguila” Galas, Clark Banzon, Al “Alt” Timajo, Aljon “Shintarou” Cruzin at Rial Polog Jr. ay namayani sa NBA2k Asian Tournament mula 2016 hanggang 2019. Ito rin ang naging basehan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pagpili ng isasalang sa squad bilang kinatawan ng bansa sa 17-nation meet.
“Since 2002, they’ve been playing the game NBA2K for a long lone time already,” pahayag ni team manager Richard Brojan sa isinagawang press conference ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) via Facebook live kamakalawa..
“Now with us representing the country this is something that we wanted to do. We’re prepared… the training did not stop even with the pandemic situation. Hindi na bago sa kanila ang international play,” dagdag ni Brojan.
Bukod sa PIlipinas, makikipagtagisan rin ang Argentina, Australia, Austria, Brazil, Cyprus, Indonesia, Italy, Latvia, Lebanon, Lithuania, New Zealand, Russia, Saudi Arabia, Spain, Switzerland at Ukraine.
Bawat team ay binubuo ng pitong players kung saan lima ang maglalaro kada salang sa remote sa NBA 2k gamit ang Pro-Am mode; at pinahihintulutan ang full customization ng player avatars, uniforms at arena designs.
Ang laro ay ila- livestreamed sa FIBA’s Facebook, Twitch and YouTube channels na mayroong live commentary.
More Stories
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE
ICF World Dragon Boat meet…PILIPINAS PINAKAMAGILAS SA PUERTO PRINCESA!
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!