May 2, 2024

MGA PALAGAY AT KURO-KURO TUNGKOL SA COVID-19 PANDEMIC

Isang magandang araw pong muli sa inyo mga minamahal kong mga kababayan. Mga ginigiliw kong mg aka-Sampaguita. Nawa’y patuloy pong maghari sa atin ang hindi nagmamaliw na pag-ibig ng ating Panginoong Diyos.

Kaugnay sa pandemya o paglaganap ng CoViD-19 sa iba’t ibang panig ng mundo, marami akong nababasang mensahe at mga palagay tungkol dito.

May ilang kaibigan ako na nagforward ng mga mensahe— na galling sa mga kaibigan nila sa Estados Unidos at iba pang bansa; kagaya ng Italy, France, Spain at England.

Batay sa aking mga nabasa, kalokohan lang daw ang CoViD-19 at ang naturang sakit ay manufactured. Ang nasa likod daw ng paglaganap ng nasabing sakit ay ang bilyonaryong si Bill Gates, na kasapi umano ng Illuminati.

Kasabwat pa nga raw nito ang ilang World Health Organization (WHO) at ang mga pasaway na mga opisyales sa China. Layun daw nito na supilin ang populasyon sa mundo. Sila raw ang pasimuno sa virus na dinala sa China noong buwan ng Agosto 2019; at na kay Gates daw ang vaccine na may kasamang chip bilang bahagi ng New World Order  (NWO).

Isa pang nakakaintriga, hindi raw totoo ang isinasagawang mass testing. Walang katuturan. Nalintikan na! Bakit daw? Kasi, otomatikong positibo raw agad sa virus ang sasailalim nun kahit wala namang sakit. Ang sinasabi raw bakuna, na malapit nang ilabas ay may microchip daw. Kapag nagkataon, baka sapilitan na raw ang pagbabakuna, halimbawa sa U.S raw at sa Canada. Hindi raw naniniwala ang mga taga-roon sa numero o bilang ng mamamayan na may CoViD-19. Katunayan, ang ilang nagkikilos-protesta rooon ay walang face masks.

Kapansin-pansin din aniya na ang ilang lider ng bansa ay hindi nagsusuot ng facemasks gaya ni U.S. Pres. Donald Trump at ni Russian President Vladimir Putin at maging ni Chinese President Xi Jinping. Sabi ng ilan, nakapipinsala sa baga ang matagal na pagsusuot ng face mask dahil nahaharang ang pag-intake natin ng oxygen— at nasasagap natin ang ini-exhaled nating carbon. Kaya, nauubo rin tayo. Nauubo rin tayo kapag sobra ang pagdidisenfect dahil nakaiirita ito sa ilong at baga.

Kapansin-pansin din na sa FB page ng WHO, binabatikos sila ng mga netizens. May mga nagtatanggol din sa ahensiya at sinabing mga ignorante raw ang mga hindi naniniwala.

Anuman ang totoo rito, mga kababayan, mag-ingat pa rin tayo at laging manalangin sa Diyos. Sa gayun ay iligtas Niya tayo sa kinatatakutang sakit. Maging maingat din tayo sa mga impormasyong ibinabato sa atin. Suriin nating mabuti bago paniwalaan. Panahon at pagkakataon lang ang makapagsasabi kung ano ang katotohanan tungkol dito. Adios Amorsekos!