April 30, 2024

PH PUG MARCIAL, LUMAGDA NG 6-YEAR CONTRACT SA MP PROMOTIONS

Filipino boxer Eumir Felix Marcial

Lumagda ng six-year promotional contract si Filipino boxer Eumir Felix Marcial sa MP Promotions, kung saan lalaban si Marcial bilang pro-boxer sa hinaharap.

Ang nasabing boxing promotion ay pag-aari ni Pambansang Kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Kinumpirma ni Marcial na ang kanyang paglagda sa MP Promotion ay hindi makahahadlang sa kanyang obligasyon sa Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) upang katawanin ang bansa sa international competitions.

 “Napili ko ang MP Promotions dahil sa kanilang 100% support sa aking hangarin na lumaban pa para sa Pilipinas sa mga future SEA Games at Asian Games competitions at maging sa Olympics,” pahayag ni Marcial.

Sa katunayan, nakasaad sa aking six-year-promotional deal na hindi sila magiging hadlang sa oras na kailanganin ako ng national team,” aniya.

Si Marcial ay nagkaroon ng tiket sa Tokyo Olympics nang magwagi ito sa Asia-Oceania qualifiers sa Amman, Jordan noong nakaraang taon.

Lubos naman ang aking pasasalamat sa mga nakasama ko sa simula pa lamang ng aking boxing career, unang-una po ang aking pamilya sa ABAP sa pangunguna ni President Ricky Vargas, Secretary-general Ed Picson at coaches Romeo Brin, Pat Gaspi, Boy at Roel Velasco, Elmer Pamisa at Ronald Chavez, sports psychologist Marcus Manalo at performance analyst Jeff Pagadu,” pahayag ng multi-time SEA gold medalist.