May 17, 2024

PH 3X3 President’s Cup, pinagharian ng Zamboanga City

Hinablot ng Zamboanga City-Family’s Brand Sardines ang first leg ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup. Ito’y matapos gisahin ang Butuan City-Uling Roasters, 21-17  Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Umiskor si Joshua Munzon ng 4 points sa final seven points, dahilan upang makahabol ang   Zamboanga City sa 17-14 final. Ibinulsa rin ng Zamboanga ang top purse na P100,000.

Kakampi ni Munzon sa team sina Alvin Pasaol, Troy Rike at Santi Santillan. Dinomina nila preseason tournament  sa loob ng bubble.

Kabilang sa tinalo ng team ay ang Zamboanga Peninsula-MLV, 21-14. Gayundin ang Saranggani, 22-19 sa Pool A.Nilunod din nila ang Porac-Big Boss Cement, 21-17 sa quarterfinals at Nueva Ecija, 21-19.