December 23, 2024

PEZA, UMANI NG REKOGNASYON AT PARANGAL DAHIL SA OVERALL GOOD PERFORMANCE

Patuloy ang paghikayat ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa new investments at expansions of existing investors. Gayundin ng ecozone developer-locators sa buong bansa. Nagawang lahat ito ng PEZA sa ilalim ng  Duterte administrasyon.

Bagama’t nariyan ang hamon at banta ng pandemya at epekto ng Russian-Ukraine War, hindi nagpatinag ang ahensiya sa paggawa at pagsulong. Bilang top investment promotion agency (IPA), patuloy na inaani nito ang tiwala at kumpiyansa ng mga investors.

Ayon kay PEZA Director General Charito B. Plaza, patuloy ang operasyon nito sa kabila ng pandemya. Kahit na naapektuhan nito ang kanilang sales, naitala pa rin ng registered industries nito ang pagmamantina sa kanilang operasyon. Gayundin ang protected jobs, livelihood at health sa mahigit 1.7 million direct workers. Dahilan upang patuloy na sumipa ang ekonomiya.

Samantalang ang ibang IPA’s ay tumatanggap na lamang ng subsidy sa national government. Kabaliktaran ito sa PEZA dahil nagremit pa sila ng 50% ng kanilang yearly profit as dividens sa national government. Katunayan, noong 2021, nagremit ang PEZA ng PHP 898,471,582.39 million.

Nasa PHP 5,611, 028,918 billion naman ang na-remitted nito under Duterte admin mula 2017-2021. Mas mataas ang remittance na ito ng 8.05% sa nakalipas na 20 years. Isa sa maipagmamalakib ng ahensiya ang regulatory transparency, no red-tape polic, one-stop-shop at non-stop shop services para sa investors. Kaya naman, nakatatanggap ng recognitions mula sa local at international organizations ang PEZA dahil sa katangiang ito sa pagpapatupad ng economic zones worldwide,

Ilan na rito ay ang pag-anunsiyo ng Capital Finance International (CFI.co) pinaranglan ang PEZA bilang 2022 Best Economic Zone Promotion sa Southeast Asia. Kinilala rin ng World Bank ang PEZA bilang ‘shining example’ ng matagumpay na regulatory reform.

Na nangunguhulugang mapagkakatiwalaan, subok, matatag at maasahan ang performance nito pagdating sa economic stability performance.