SINUSPINDE ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng usapin na may kaugnayan sa people’s initiative na naglalayong rebisahin ang 1987 Constitution.
Sa isang press conference nitong Lunes, sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na unanimous ang desisyon ng Comelec en banc sa suspension ng Comelec Resolution No. 10650 na siyang nagsisilbing guidelines para sa people’s initiative.
Kasama sa sinuspinde ang pagtanggap ng pirma mula sa mga lokal na tanggapan ng Comelec.
Kailangan po ito para maiwasan ang problema, kaguluhan, at hindi pagkakaunawaan doon sa interpretasyon ng probisyon ng ating mga rules,” ayon kay Garcia.
Sa kasalukuyan, tumanggap na ang Comelec signature ng forms mula sa 1,072 munisipalidad at siyudad sa buong bansa.
Unang sinabi ng Comelec na ang ginagawa nilang pagtanggap ay hindi pa ang pormal na proseso ng PI ngunit base lamang sa kanilang administerial roles na naaayon naman sa kanilang panuntunan.
Ang suspensyon sa pagtanggap sa mga lagda ay makaraan din ang pagsasabi ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na labag sa Konstitusyon ang kasalukuyang isinusulong na PI.
Sa ilalim ng inisyatibo, ang mga senador at kongresista ay magkasanib na boboto sa panukalang charter change sa halip na magkahiwalay na boto ng dalawang Kapulungan.
Nangangahulugan na ang joint voting ay tatabon sa 24-miyembrong Senado kumpara sa higit 300 miyembro ng Kamara.
Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na ang suspensiyon sa people’s initiative ay tagumpay para sa bansa.
“Tumugon ang pamahalaan sa totoong damdamin ng taumbayan. Hindi pa po tapos ang laban, patuloy po tayong manalangin at magbantay para siguruhing maprotektahan ang Konstitusyon na siyang kaluluwa ng ating bayan,” sabi nito.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY