Kitang-kita ang galak sa People’s Television Network (PTV) ngayong Martes, Agosto 12, nang bumisita si acting PCO Secretary Dave Gomez sa kanilang opisina.
Sinalubong ang kalihim nina PTV Board Chair Vivian Recio, GM Malou Choa-Fagar, PCO Asst. Sec. Allan Francisco, at News Division Overseer Dominic Almelor, habang tiniyak nilang maipakita kay Gomez ang lahat ng pasilidad ng network.
Kasama sa tour ni Gomez ang newsroom at studio ng PTV, at kitang-kita ang excitement ng mga staff habang personal niyang sinilip ang mga puwesto at kagamitan ng istasyon.
Malinaw na ipinakita ng acting PCO chief na hands-on siya sa pakikipag-ugnayan sa media at sa pagpapalakas ng state-run broadcasting sa bansa.
