December 23, 2024

PBA TEAMS, PINAYAGAN NG IATF NA MAGPRACTICE

Masaya ang ng PBA sa desisyon ng Inter-Agency Task Force na pinapayagan na teams ng liga na magpractice. Gayunman, kaakibat nito ang strict health guidelines at IATF resolution. Sa gayun ay matiyak ang kaligtasan ng mga manlalaro sa gitna ng peligrong dulot ng COVID-19 pandemic.

 “On track pa din tayo sa PBA, at sana magtuloy-tuloy na to,” pahayag ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Kaugnay sa magandang balita, sinabi ng komisyuner na magpapatawag agad siya ng meeting kasama ang Board of Governors ng liga upang talakayin ang desisyon ng IATF.

Bukod dito, pupulungin din ni Marcial ang mga coaches sa 12 teams sa Hulyo 10 upang talakayin ang safety measures at iba pang isyu.

 “We are very excited to get back on the court,” saad ni Alaska coach Jeffrey Cariaso.

We know that the first step is to have small group workouts and build from there. Right now, we will take any court activity that’s allowed. We miss the baskets, the balls and the smell of the gym.”

Bukod kay Cariaso, nais din ni Phoenix Super LPG mentor Louie Alas na makabalik na muli sa practice ang kanyang team. Gayunman, idinagdag niya na dapat ay may mahigpit na pagpapatupad ng ilang patakaran para maging ligtas ang mga players at iba pa sa virus.

Kabilang sa hiling ng PBA sa sulat na ipinadala nila sa IATF na ang mga isasagawang practice ay hahatiin kada batch na binubuo ng apat na players at isang trainer; habang nasa ilalim ng superbisyon ng isang safety officer.

Ang pagpayag ng IATF na payagan ang PBA na magsanay ay nagbibigay ng pag-asa sa liga na pahintulutan sila ng ahensiya na muling makapaglaro, lalo pa’t nakabaling ang preparasyon ng PBA sa ika-45 season nito.