Nakatakdang muling magbabalik aksyon na ang PBA Season 46 Philippine Cup. Ang laro ay idaraos sa Bacolor, Pampanga. Gayunman, magiging mahigpit ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa paglalatag ng health Protocols.
Batay sa ikinamadang rules ng IATF at DOH, may grounds sila upang ipatigil ang laro. Ito’y kung aabot sa 6 teams ang nagkaroon ng confirmed case ng COVID-19.
“ Medyo mahigpit ngayon ang patakaran sa amin. Ok na rin for the sake of the league. Kapag may positive case ng COVID na aabot sa 6 teams, tigil na. Kaya, doble ang ingat,” ani komisyuner Willie Marcial.
“Ititigil din ang laro sa oras na ilagay ang Pampanga sa strict Enchange Community Quarantine. Kaya, tigil tayo.”
“Pakiusap lang natin sa lahat ng players, coaches, officials at staff na sumunod sa health protocols. Mag-ingat talaga para safe ang league at ang laro,” aniya.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo