May 19, 2024

MYRTLE SAROSSA, KASAMA SA PALABAS NA PAGTATAMBALAN NINA JENNYLYN AT XIAN

Ibang klase ang dating ni Myrtle Sarossa sa mga boys. Ang totoo, inaabangan ang nasabing Kapuso actress sa mga palabas. Katunayan, isa siya sa inaabangan sa Afternoon Prime ng GMA na ‘Nagbabagang Luha’.

Ang lakas kasi ng dating tsinita look ni Myrtle, bagay na nagustuhan ng mga kalalakihan. Masuwerte rin siya dahil may bago siyang projects sa Kapuso. Kasama si Myrtle sa palabas na pagtatambalan ng bagong Kapuso actor na si Xian Lim at Jennlyn Mercado.

Ito ay pinamagatang ‘Love, Die, Repeat”. Bale siya ang pumalit sa role na dapat ay original na nakatoka kay Kim Domingo. Kaya lang, di inaasahang nagpositibo sa COVID-19 si Kim. Kaya si Myrtle na ang isinalang dahil hindi pwede si Kim sa taping.

Bukod sa pagiging aktres, isa ring vlogger at cosplayer si Myrtle.