
Hindi na rin magpapahuli si PBA legend Alvin Patrimonio pagdating sa pulitika. Susubukan ng binansagang ‘ The Captain Lion Heart” ang politics at tatakbo ito sa Cainta, Rizal.
Ayon sa dating Mapua Cardinals at PBA players, nais niyang maging matagumpay din sa pulitika. Naging inspirasyon niya si Meycauayan, Bulacan Mayor Vergel Meneses.
Na isa ring former pro basketball player na naging successful bilang lingkod-bayan.
“Gusto kasi nilang tumakbo si Kap Alvin sa election. Gusto siya ng mga taga-Cainta. Para palakasin at pagandahin ang sports program doon,” sabi ng isang source.
” Gustong tumakbo ni Alvin na mayor ng Cainta. Pero, nag-iisip pa ng husto. May iba pa namang position. Pero, parang willing talaga siyang tumakbo sa ganung posisyon,” dagdag pa ng player agent na malapit sa 4-time MVP at Purefoods Hotdog player.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT