April 29, 2024

CHAUNCEY BILLUPS, NILAMBAT NG PORTLAND TRAILBLAZERS BILANG BAGONG HEAD COACH

Kinuha ng Portland Trail Blazers si Chauncey Billups bilang susunod na head coach ng team. Ang balitang ito ay iniulat ni Shams Charania ng The Athletic.

Si Billups ay kasalukuyang nasa Los Angeles Clippers bilang assistant ni Tyron Lue.
Si Blazers star Damian Lillard ang isa sa nag-endorse kay Billups. Pati na rin Jason Kidd para sa trabaho matapos na umalis si Terry Stotts.

Si Billups ay may unique perspective bilang isang player. Na nagsimula ng kanyang career bilang isang journeyman. Ngunit kalaunan ay naging isang star ng team.

Naglaro siya sa 4 na franchise bago tuluyang makarating sa Detroit. Nagkampeon ang team at hinirang siyang ng Finals MVP noong 2004.

Mula noon ay nagtrabaho siya bilang isang brodkaster para sa ESPN. habang nililigawan para sa maraming mga trabaho. Kasama na ang posisyon bilang president of basketballl operations ng Cleveland.

Niligawan din siya ng Indiana Pacers noong ofseason para sa coaching job. Pero, napunta ito kay Nate Bjorkgren. Na kalaunan ay sinibak din ng Pacers.