November 3, 2024

PBA, IPATUTUPAD ANG STRICTER PROTOCOLS SA IDARAOS NA TRAINING

Ipatutupad ng pBA ang mahigit na protocols sa oras na maikasa na ang scrimmage. Ito’y matapos mabigyan ang liga ng go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Iimplementa ng liga ang stricter health and saety protocols.

Ang scrimmage training ay bilang paghahanda sa pagbubukas ng Season 46. Ayon naman sa IATF na magdaos ng five-on-five practices sa areas sa ilalin ng GCQ at MGCQ.

Umaasa rin ang PBA na magiging maganda ang kasunod nito.

“‘Pag napatunayan natin na okay, successful ang scrimmages, hihingi na ako ng apela para maglaro na tayo ng official game,” ani Commissioner Willie Marcial sa virtual press conference.

Meron kaming bagong sistema para sa testing. Kailangan seven days before, na-swab ka, two days before na-swab ka na — at nasa amin ang resulta. Kung walang resulta, hindi makakalaro,” aniya.

Nagbabala rin ang kumisyoner sa mga lalabag sa protocols. Aniya, pagmumultahin ang mga violators.

Ang practice ng liga ay balak simulan sa May 18.