May 4, 2024

PBA GAMES, TARGET NA IBALIK SA KALAGITNAAN NG OKTUBRE

Target ng PBA na masimulan ang ika-45 season sa Oktubre.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, mangyayari ito kapag bumuti na ang sitwasyon.

Aniya, malamang bumalik ang liga sa mid-October.

Ngunit, kapag lumagpas aniya rito, kanselado na ang 45th season.

 “Mid-October, kaya pa namin,” saad ni Marcial.

 “Pag lumagpas ng mid-October, cancel na tayo.”

Ayon pa kay Marcial, same format pa rin gaya ng dati ang Philippine Cup.

Ito’y mayroong 11-game elimination round.

Susundan naman ito ng 8-team quarterfinal phrase.

Panghuli rito ang best-of-seven semifinals at best-of-seven title series.