HANDA si Mur Prince Alao at ang buong EcoOil La Salle team alinman sa dalawa pang semifinalists ang makakatunggali sa kampeonato ng PBA D- League Aspirant’s Cup.
Ang Green Archers ang unang pumitas ng tiket sa finals matapos nilang walisin sa serye ang University of Perpetual Help System Dalta sa best- of three,2-0.
Aantayin ng Taft-based cagers kung sino ang magwawagi sa protagonistang Wang’s -Letran at Marinerong Pilipino na tabla sa kanilang match-up ,1-1.
Kumamada ang Gilas boys, NBA junior,national juniors team standout na si Alao ng 22 puntos ,12 ang tinikada sa first half upang agad dumistansiya ang LaSalle, 28-13 sa opening period.
Lumobo pa ang kalamangan ng Green Archers sa 28 puntos tungo sa 108-91 tambakan at pag-usad sa finals.
Katuwang ni Alao sina JC Macalalang (11 pts), Kevin Quiambao, EJ Gollena, Bright Nwangkwo na bumirada ng tig-10 puntos,8 kay CJ Austria at 7 kay Ben Philipps.
Nanindigan naman sina Altas’Cyrus Nitura, John Abos , Christian Ragaran at Carlos Ferreras para sa kanilang losing cause.
“Thank you po Lord sa inyong biyaya at patnubay. Of course sa suporta ng management at buong Dela Salle community,” wika ng batang Alao.
Siya ang proud son ni dating commercial basketball star,shooter Ray Alao- VP ng namamayapag na Pilipinas Super League( PSL).
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA