
NAGPAABOT ng maalab na pagbati ng Happy Valentine’s day si Supremo Senador Lito Lapid sa mga Batangueño nitong Lunes, ilang araw bago ang Araw ng mga Puso.
Ito’y matapos pangunahan ang payout ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantage Workers(TUPAD) ng DOLE sa bayan ng San Juan at Padre Garcia ngayong Lunes ng umaga, February 12.
Nabiyayaan ang nasa 338 benepisyaryo na nagtrabaho sa loob ng 2 linggo sa kani-kanilang bayan.
Todo pasalamat naman ang mga benepisyaryo kay Senador Lapid.
Nagbiro naman ang Senador sa mga Batanguena na available raw siya maging ka-date nila sa Valentine’s day. Matapos ito, dumalo si Lapid sa plenary session ng Senado nitong Lunes.
More Stories
COMELEC IBINASURA DQ CASE VS TULFO FAMILY
PAGKAMKAM NG CHINA SA PALAWAN, PINALAGAN NI GOITIA
MGA PILIPINONG IMBENTOR NAMAYAGPAG SA THAILAND INVENTORS’ FAIR 2025, NAG-UWI NG 13 MEDALYA