September 8, 2024

PAYO NI ANDREA BRILLANTES SA KABABAIHAN: HUWAG MAGING DAHILAN NG PAG-IYAK NG KAPWA BABAE

SABI nila look who’s talking? Siya ba ito? Ang husay mag-bigay ng advice sa kapwa niya babae, ano?

“Marami ang hindi ayon sa tinuran ni Andrea Brillantes sa kanyang mensahe pa tungkol sa kapwa niya babae.

“Dapat iwasan ng ibang babae ang maging dahilan ng pag-iyak ng kapwa nila babae,” ayon iyan kay Andrea Brillantes.

“Sana raw na isip niya iyan, bago pa niya sinira ang KathNiel love team. Isa siya sa nag-paiyak kay Kathryn Bernado, wow heto at naglabas siya ng mensahe niya na patama mismo sa kanya. “Nagmamalinis ba o nag-iingay lang dahil tahimik ang showbiz career niya sa ngayon? Mas pinaburan kasi ng ABS-CBN ang kalaban niyang singer-actress na pasikatin ito, at siya ngayon ay temporary hold,” pakli pa ni Miss. Bubuwit na aking source.