May 5, 2024

PATTY MILLS, TINABLA ANG PLAYER OPTION SA NETS

Photo Courtesy: Ron Schwane/Getty Images/AFP 

Tinabla ni Patty Mills, guard ng Brooklyn Nets ang kanyang $6.2 million player option sa 2022-23 NBA season. Dahil sa hakbang na ito, magiging free agent na siya. Pwede na rin itong makipagnegosasyon sa ibang teams na interesado sa kanyang serbisyo.

Ang 33-anyos na Australian cager ay nakapagtala ng milestone sa kanyang career. Lalo na ang pagbuslo ng career-best 227 3-pointers nitong nagdaang season sa Nets. May average siyang 11.4 points sa 81 games (48 starts o kabilang sa starters).

Maaari pa naman aniyang magdesisyon si Mills kung mananatili o hindi sa Brooklyn. Nagsimulang maglaro si Mills sa Portland Trail Blazers sa loob ng 2 season. NIlambat siya mula sa 2nd round pick noong 2009.

Matapos nito, lumipat siya sa San Antonio Spurs at naglaro ng 10 seasons. Nagwagi siya ng Sportmanship Award noong last season.