April 29, 2024

“PATAFA AT IBA PANG NSA’, ISASALANG NG SPECIAL AUDIT KUNG SAAN NAPUPUNTA AT PONDO

Nasa balag ng hot seat ngayon ang PATAFA at iba pang national sports association. Nagpasya kasi ang mga mambabatas na magsagawa ng special audit sa pondo ng gobyerno. Na napunta sa nasabing sports body at iba pa.


Sinabi naman ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun na hindi sapat ang special election. Na naging panawagan upang baklasin si Philippine Athletics TRack and Field Association president Philip Ella Juico.


Hindi rin nakaigi ang pagsipa ng PATAFA kay pole vailter EJ Obiena sa national team. Gayung isa itong world class at medal potential athlete.


Dapat na gawin ‘e alamin natin yung kung saan napupunta ang mga pondo. Tumatanggap ang bawat national sports assocation ng funds sa gobyerno. Pero, di maiwasang may nangyayaring di maganda,” ani Rep. Fortun.