Ang mga OFW sakay ng Intramuros Electric Tranvia
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
TINATAWAGAN ang lahat ng mga OFW at mga nagbabalik na manggagawa na ihandog sa buong pamilya ang makabuluhang araw sa Intramuros sa pamamagitan ng “Pasyal Pamilya” – isang espesyal na linggong karanasan pangkultura mula 25 hanggang 31 Mayo 2026.
Ang libreng guided tours at access ay mararanasan sa Fort Santiago at Centro de Turismo Intramuros habang naglalakbay at muling natutuklasan ang mayamang kasaysayan at kultura ng Pilipinas kasama ang mga mahal sa buhay.
Ang mga kwalipikadong OFW at mga magbabalik na manggagawa ay maaaring magpadala ng hanggang apat (4) na kasama sa pamamagitan ng valid na OEC o OWWA ID.
Opisyal na sinimulan ang “Pasyal Pamilya” noong 25 Mayo 2026 Lunes, kung saan 35 OFW at 24 na kasama sa Rehiyon 3, IV-A, at NCR ang dumalo sa unang araw ng kaganapan.
Sila ay bumisita sa Centro de Turismo Intramuros at Fort Santigo sa pamamagitan ng libreng guided tours.
Ang gawaing ito ay hatid ng Department of Tourism (DOT), Department of Migrant Workers (DMW), at Intramuros Administration (IA) bilang pagkilala sa ating mga makabagong bayani.
