May 19, 2024

Pasko ramdam na ramdam na sa Quezon City Hall

Pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte at ng kayang bise alkalde na si Gian Sotto, kasama ang mga konsehal, staff at mga department head ang pagpapailaw sa higanteng Christmas tree sa Quezon City Hall bilang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Kasabay sa pagbubukas ng higanteng Christmas tree,  may pa libreng pang street food sa QC Hall para sa mga empleyado at kanilang pamilya na nakisaya sa programa.

Binigyang-diin ni Belmonte ang kahalagahan ng pag-asa ng bawat QCitizen at pagbangon ng lungsod mula sa mga hamon ng nakalipas na dalawang taon. Inialay din niya sa Poong Maykapal ang tagumpay ng lungsod, at ang pagpupunyagi ng mga kawani ng pamahalaan.

“Kaya naman ngayong pasko, let’s spread Hope, Love, and Joy sa QC,” ayon sa alkalde.