April 24, 2024

Para daw mapanatili ang kasikatan… KATHRYN BERNARDO, ISASAMA SA SERYE NG BATANG QUIAPO

ANG Chika ngayon, ang isa sa sikat na star ng ABS-CBN na si Kathryn Bernado ay isasama daw nila sa serye ni Coco Martin sa ‘Batang Quiapo.’

Ang ugong nga ay para mapanatili ang popularidad ng actress, para din daw mapanatili ang kanyang box office appeal.

Balita nga namin na masayang-masaya ang mga fans ni Kathryn, dahil madalas na nilang mapapanood ang kanilang idolo sa ‘Batang Quiapo.’

Malaki rin ang tiwala ng ABS-CBN na malaking hatak sa serye ng ‘Batang Quiapo,’ kung mapapasama si Kathryn Bernado.” Antabayanan natin kung matutuloy ang pagpasok ni Kathryn Bernado, sa teleseryeng ‘Batang Quiapo’ at kung kaylan ito magkakaroon ng katuparan.