April 24, 2024

Ang ipapalit ay show daw ni Vice… ‘TAHANANG PINAKAMASAYA’ ‘DI TOTOONG TSUGI NA SA GMA 7

MUKHANG fake news ang kumakalat na tsismis na tsutsugiin na ang programang ‘Tahanang Pinakamasaya,’ at ang kapalit daw ay ang show ni Vice Ganda na ‘It’s Showtime.’

“Paano raw mangyayari iyon, mas mataas pa ang rating ng ‘Tahanang Pinakamasaya’ nina Isko Moreno at Paolo Contis, kumpara sa ‘It’s Showtime’ ni Vice Ganda.

“Isa pa ang kontrata ng Tape ay matatapos sa December pa, so hindi pwedeng ngayon mangyayari ang tanggalan. Iyong tungkol sa P800 milyong utang ng Tape, Inc. noong panahong old ‘Eat Bulaga’ pa iyon. Kung may tanggalan, tiyak na magsasalita na rin sina Paolo Contis at Isko Moreno,” pagdidiin ng aking source.