May 1, 2024

PAOLO CONTIS: HINDI SI YEN ANG DAHILAN KAYA NAKIPAGHIWALAY KAY LJ

Matapos ang higit isang taon ng espekulasyon mula sa publiko, inamin ni Paolo Contis ang kanyang relasyon kay Yen Santos, subalit nilinaw nito na hindi ang naturang aktres ang dahilan ng breakup nila ng dating partner na si LJ Reyes

Ibinunyag ng aktor ang kanilang tunay na relasyon ni Yen nang tanungin ni King of Talk Boy Abunda sa isang episode sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon.

“Si Yen Santos ba ay girlfriend mo na? Oo o hindi? Tanong ni Abunda, na sinagot naman ni Paolo nang pabiro, “As a friend?”

“Is she your girlfriend?” muling tanong ni Abunda reiterated,  na sinagot naman ng aktor na, “Yes.”

“Sa amin kasi, what you see is what you get naman. Hindi namin pwede ipilit ‘yung tao to be happy for us,” dagdag ni  Contis. “Sana lang isipin nila na kung ano lang ‘yung nakikita nilang na-post, ‘yun lang ‘yung truth na alam nila.”

Ipinunto rin ni Paolo na wala na sila ni LJ nang magsimula silang mag-date ni Yen, subalit inamin niya na nakagawa siya ng pagkakamali at nagkaroon ng pagkukulang na nauwi para magkalabuan sila ni LJ. Ikinuwentro rin ni Contis ang kanyang Baguio Trip kasama si Santos bilang magkaibigan  at idiniin na ang hiwalayan nila ni Reyes ay nangyari bago nangyari ang nasabing biyahe.

“Somehow, medyo matagal na kaming hindi OK ni LJ pero we were together, of course. Napapadalas ‘yung away and I think it was combination na ng stress sa pandemic and everything,” saad niya.

“One of my biggest mistakes was hindi ko inalala ‘yung mental health ni LJ,” pagpapatuloy niya. “Plus ‘yung pagdidiskarte ko nang sarili ko, na hindi ko na ini-inform sa kanya ‘yung mga bagay-bagay, which led to bigger problems.”

Naging headlines sina Paolo at Yen noong 2021 nang maging magkapareha ang dalawa sa pelikulang “A Faraway Land” at nang parehong mag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram, dahilan para maghinala ang mga fans na si Santos ang dahilan ng pakikipaghiwalay ng aktor kay LJ.

Ang breakup ni Contis kay Reyes ay kinumpirma ng kanyang talent manager na si Lolit Solis, na iginiit na mutual decision ang paghihiwalay ng dating mag-asawa. Ang pahayag na ito ay pinabulaanan ni Reyes, na nagsabing pinanghawakan niya ang kanyang relasyon sa aktor nang ilang buwan, para sa kapakanan ng kanyang mga anak.

Si Contis at Reyes ay may 4 na taong gulang na anak na babae na si Summer. Sina Reyes at Summer ay kasalukuyang nasa Estados Unidos kasama ang panganay na anak ng aktres na si Aki.