June 21, 2024

PANG-UUPAT NG ILANG BASKETBALL AFICIONADOS KAY SMITH, IPINAGTANGGOL NG LAKERS FANS

May ilang basketball aficionados ang nagtaasan ng kilay sa pagkakadagdag ni veteran guard JR Smith sa Los Angeles Lakers.

Anila, baka maulit na naman ang ginawa nitong katangahan noong Game 1 ng 2018 NBA Finals kontra Golden State Warriors. Kung aware si Smith sa sitwasyon, sana raw ay nanalo pa ang Cleveland Cavaliers. Turan pa ng ilan, baka nag-iba pa ang resulta ng finals.

Gayunman, ipinagtanggol naman ng ibang Lakers fans sa panunuya ng iba si Smith. Anila, kalimutan na ang nangyari. Lahat naman ay nagkakamali at doon aniya nakapulot ng aral si Smith.

Alam aniya ni Smith ang kanyang pagkakamali at inaasahang babawi siya kay LeBron James.

Past is past. Let’s forget it. We know that JR learned from his mistakes. Smith’s addition to Lakers gives the team a boosts to capture the NBA crown,” pahayag ng isang fan sa social media page na NBA Philippines.

JR’s pure shooting is great. Actually, he’s included from top 15. It will be a big help to Lakers mid-range and three-point shooting weapon. Let’s give JR a change to prove what he’s worth of,” dagdag pa ng isang fans.

Sa ngayon ay nagbabalik practice na ang Lakers para paghandaan ang nalalapit na pagbabalik ng NBA games sa Orlando,Florida.