May 18, 2024

Pamemeke ng travel pass ng isang opisyal ng barangay sa San Juan, buking

INIHARAP ng San Juan City Police kay Mayor Francis Zamora nitong Agosto 3, 2020 sa San Juan Police Headquarters ang suspek sa pamemeke umano ng PNP travel authority.

Naaresto ng San Juan PNP ang suspek na si Leonardo Puno, 39, liaison officer ng Barangay West Crame matapos makatanggap ng tawag kaugnay sa umano’y pamemeke ng travel pass para ibenta.

Sinabi ni San Juan City chief of police Col. Jaime Santos na nakatanggap sila ng sumbong tungkol sa ginagawa ng nasabing barangay official kaya nagkasa sila ng operasyon.

“Nakakaalarma po ang mga ganitong pangyayari lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan lahat ng pag-iingat at iba pang mga programa ay ginagawa ng pamahalaan upang mapigilan at masugpo na ang pagkalat ng COVID-19”, ayon kay Mayor Zamora. Bukod sa falsification of public document, pinag-aaralan pa ng PNP ang iba pang kaso na puwedeng isampa laban sa suspek.