November 3, 2024

PAMBANSANG KAMAO, MALUNGKOT SA PAGKAMATAY NG KANYANG 14-YEAR-OLD JACK RUSSELL TERRIER NA SI ‘PACMAN’

Malungkot ngayon si eight-division world boxing champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao dahil sa isang insidente kahapon. Habang minamaneho kasi ni Pacquiao ang kotse nito upang maghatid ng tulong sa mga taga-GenSan, hinabol ito ng kanyang sidekick at running mate (sa loob ng 10 taon) na aso na si ‘Pacman’.

Kung kaya, nasagasaan ito ng Mazda sedan na minamaneho ni David Sisson. Nalungkot naman si Sisson sa nangyaring hindi inaasahan.

 “I didn’t even see him and the boss’ bodyguards said he came out of nowhere and it was too late,” saad ni Sisson.  

Dinala naman agad sa veterinary clinic ang kaawa-awang aso, ngunit tinuran ng doktor na malubhang nagtamo ng pinsala ang 14-year-old Jack Russell Terrier na si Pacman.

 “If he was like seven years, he could have made it, according to the vet,” ani Sisson na agad na sinabi kay  Pacquiao at Jinkee kung ano ang nangyari sa aso.

They understood and accepted what happened. It was a freak accident,” dagsag pa ni Sisson.

Pagbalik ng Pambansang Kamao sa kanilang mansiyon, isa nang malamig na bangkay ang kanyang pinakamamahal na aso; na naiburol na. Ang asong si Pacman ay pamilyar sa mga boxing fans dahil nakikita ito ng mga miron kasa-kasama ng boxer, noong nagsasanay ang ‘People’s Champ’ sa Maynila, Baguio City, General Santos at sa Estados Unidos.

Noong 2006, naging official mascot ng Team Pacquiao si Pacman noong lumaban ang Pambansang Kamao kay Mexican Erik ‘El Terrible’ Morales sa kanilang ‘trilogy’ na idinaos sa Las Vegas.