May 5, 2024

BALDWIN, MANANATILI PA RING HEAD COACH NG ATENEO AT PROGRAM DIRECTOR NG GILAS

Bagama’t binaklas na bilang assistant coach ng TNT KaTropa si Tab Baldwin, mananatili pa rin ang kanyang posisyon bilang head coach sa Blue Eagles ayon kay Ateneo Athletics director Emmanuel Fernandez.

 Bukod ito, mananatili pa rin siyang bahagi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas’ (SPB) Gilas Pilipinas program director.

 “Coach Tab will be focusing on his coaching chores in Ateneo and his role in SBP,” pahayag ni Gilas team manager Gabby Cui na siya ring TNT team manager ng TNT.

Kung matatandaan, inalis bilang bahagi ng coaching staff si Baldwin, ngunit ipinaliwanag ni Cui na wala itong halong pamumulita; gawa ng kanyang kontrobersiyal na komento laban sa PBA.

Inupat kasi ni Baldwin sa isang video podcast ang mga coaches ng PBA; na nagbunga ng sama ng loob. Dahil ditto, pinagmulta ng liga si Baldwin na nagkakahalaga ng P75,000.

Lumabas ang balita matapos kumpirmahin ni TNT team manager Gabby Cui nitong Huwebes na tinanggal na sa coaching staff ng TNT si Baldwin.

Ngunit, nilinaw nito na ang pagsibak kay Baldwin ay malaon na nilang ginawa bago pa ipatupad ang quarantine sanhi ng COVID-19 pandemic at hindi dahil sa mga naging komento nito kontra sa PBA partikular sa mga coaches ng liga sa isang video podcast.