Pinangunahan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec. Benny Antiporda at ilang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pag-inspeksyon sa Manila Bay na tinambakan ng puting buhangin mula sa dinurog na dolomite bilang paghahanda bilang artificial paghahanda sa gaganaping International Coastal Clean-up Day activity ng pamahalaan sa darating na Sabado. (Kuha ni JHUNE MABANAG)
PINABORAN ng ika-11 Konseho ng Lungsod ng Maynila ang pagpapaganda at pagpapaayos sa baybayin ng Baywalk sa kahabaan ng Roxas Boulevard na ipinapatupad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) katuwang ang iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Sa resolusyong nilagdaan ng 35 miyembro ng City Council ng Maynila, inihayag na hindi tinututulan ang rehabilitasyon at coastal beach nourishment sa Baywalk shoreline sa kahabaan ng Roxas Boulevard na kasalukuyang binubuhay at pinagaganda ng DENR at DPWH.
“Now Therefore, Be It Resolved, by the 11th City Council of Manila to Express No Objection, Utmost Support and Appreciation for the National Government’s Manila Bay Rehabilitation and Coastal Beach Nourishment Initiative on the Baywalk shoreline along Roxas Boulevard in the City of Manila, as currently being implemented by the Environment (DENR) and Public Works (DPWH) Departments.” ayon sa resolusyon.
Nakasaad sa resolusyon ang pinakamataas na suporta at pagpapahalaga sa pinagagandang shoreline ng Manila Bay na tinuturing na “crown jewels” ng Lungsod ng Maynila at isang tourist attraction sa buong mundo kung saan makikita ang pagsikat at paglubog ng araw.
Ang pagpapaganda anila ng Manila Bay ay pagsunod sa pinalabas na mandamus ng Korte Suprema na linisin, isalang sa rehabilitasyon at panatiliing malinis at malinaw ang tubig ng Manila Bay upang mapaglanguyan o magamit sa iba’t ibang sports activity.
Sabi pa sa resolusyon, hindi makatuwiran ang pambabatikos ng ilang sektor kung magkano ang ginastos at panggastos sa panahon ng pandemic.
Sa isyu ng dolomite, inilahad ng mga konsehal ang pahayag ng DOH na ang paglalagay ng dolomite sa lugar ay hindi nakasasama sa kalusugan dahil ginagamit din ito sa isang tourist destination sa buong mundo.
Ang resolusyon ay inihain at inakda sa konseho nina District 4 Councilor Don Juan Bagatsing at District 6 Councilor Salvador Lacuna.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA