May 4, 2024

Gordon Hayward, malabo pang makalalaro sa Game 2 ng East finals

Hindi nakapaglaro si Bostin Celtics forward Gordon Hayward sa Game 1 ng East finals. Patungkol sa Game 2 ng series, questionable pa rin kung makakalaro siya kontra Miami Heat.

Sapol nang indahin ang Grade 3 ankle sprain sa first round kontra 76ers, hindi na nalaro si Hayward. Binigyan siya ng 4 weeks upang maka-recover sa injury.

Bagama’t tapos na ang palugit, may tsansang bumalik ito para makatulong sa Celtics. Gayunman, hindi pa sa Game 2.

Ayon kay coach Brad Stevens, makababalik si Harward . Ngunit, hindi niya alam kung anong game.

“I think he’ll be back at some point in that series, but I don’t know when,” ani Stevens.

May kutob din ang ilan na hindi na lalaro si Hayward. Gusto kasi nitong makasama ang kanyang misis, na magsisislang ng kanilang fourth child. Kagampan na ngayong buwan ang misis nito.