May 4, 2024

NBA rumors: Marc Gasol, gustong bumalik sa Spain; basketball career, doon na ipagpapatuloy

Pagkatapos ng masaklap na pagkatalo sa Boston Celtics sa East semis, magiging free agent na si Marc Gasol ngayong offseason.

Gayunman, may option siya sa Raptors. Ngunit, may sitsit na nais bumalik ng Spain ni Gasol. Doon na rin aniya nito tatapusin angkanyang basketball career.

“Spanish center Marc Gasol is considering a return to Europe, for family reasons, to continue there his illustrious career,” ayon kay Xavier Saiso Garcia ng Radio Ser Catalunya.

Ayon pa kay Garcia, malamang na alukin ng ibang teams o ng Raptors ang 36-anyos na si Gasol. Pwedng one o two-year offers na hindi malayo sa above minimum.

Nitong 2019-2020 season, nakapagbulsa si Gasol ng $25.6 million. Lumaki si Gasol sa Spain. Tumulak sila ng kanyang pamilya sa Memphis noong siya’y edad 16. Kasama ang kanyang kapatid na si Pau.

Nang magtapos sa high school, bumalik sa Spain si Marc at naglaro ng three seasons sa Barcelona. Pagkatapos, muli siyang bumalik sa US at naglaro sa Memphis Grizzlies.

Nakapag-kampeon siya sa Raptors, Defensive Player of the Year, at three-time All-Star.