Ipinagtanggol ng content creator na si Gene Del Rosario Caldito ang isinasagawang pag-aayos at paglilinis ng mga lansangan kaugnay ng pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa, sa gitna ng mga puna mula sa ilang sektor sa social media.
Sa isang post sa kanyang social media account, inihalintulad ni Caldito ang paghahanda ng pamahalaan para sa mga dayuhang delegado sa kaugalian ng mga Pilipino tuwing may darating na bisita sa tahanan.
“Ang daming kuda sa pag-aayos ng lansangan dahil sa summit. Tayo nga pag may bisita darating halos baliktarin mo bahay sa linis at yong pinaka-ingat-ingatan mong mga plato at kubyertos na nasa stante o sa baul mo ay syang pinagagamit at may masarap ka pang handa,” pahayag ni Caldito sa kanyang post.
Pinuri rin niya ang naging paghahanda at trabaho ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) para sa makasaysayang pagtitipon, sabay banat sa mga bumabatikos dito.
“Nagtatrabaho ng maayos si PBBM yong iba naman dyan parang sinisilihan. Aber kayo nalang kaya mag-presidente. Ang peperfect,” dagdag pa ng content creator.
Umani ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang usapin sa mga paghahanda at ginastos sa 49th ASEAN Summit, kung saan hati ang opinyon ng publiko sa pagitan ng mga sumusuporta sa pagpapaganda ng imahe ng bansa at ng mga pumupuna sa lawak ng pondo at biglaang paglilinis sa mga pangunahing kalsada.
