May 10, 2024

PAGCOR NAMAHAGI NG TULONG SA TAAL EVACUEES SA BATANGAS

Pinangunahan ni Casino Filipino Tagaytay Branch Manager Victor Crisostomo (kaliwa) ang PAGCOR team sa pamamahagi ng relief pacs sa Taal evacuees mula sa bayan ng Laurel.
Personal na iniabot ni PAGCOR VP for Corporate Social Responsibility Group Jimmy Bondoc ang relief pack sa nakataandang babae sa Agoncillo, Batangas.
Itinurnover ni PAGCOR Community Relations and Service Senior Community Development Officer Ramos ang isang pack ng relief items sa isang evacuee mula sa bayan ng Balete.
Makikita sa larawan ang mga residente ng Tanauan na apektado ng panibagong aktibidad ng Bulkang Taal kasama ang mga volunteer ng PAGCOR at mga lokal na opisyal sa isinagawang pamamahagi ng relief items sa mga pamilyang nawalan ng tahanan sa siyudad.