November 16, 2024

PAGBEBENTA NG ‘CATCH UP FRIDAY’ MATERIALS BAWAL – DEPED

HINIMOK ng Department of Education (DepEd) ang publiko na isumbong sa kanila ang mga nagbebenta ng learning materials o workbook para sa Catch-Up Fridays.

Ito’y matapos ireklamo ng mga magulang ang ilang school personnel na nagbebenta at nire-require ang mga mag-aaral na bumili ng mga booklet o workbook para sa Catch-Up Fridays at iba pang aktibidad. “The Department reiterates that such acts are strictly prohibited. Catch-Up Fridays and other school activities must not involve out-of-pocket costs. Parents and learners are reminded not to accommodate and patronize such unauthorized transactions,” ayon sa kagawaran.

Iniimbestigahan na ng DepEd ang pangyayari at sinumang indibidwal na mapapatunayang guilty ay mahaharap sa parusang administratibo.

Kaya panawagan DepEd sa publiko na isumbong ang mga ganitong uri ng gawain sa Office of the Secretary sa [email protected]