May 19, 2024

ANDREA BRILLANTES, BANTA RAW SA RELASYONG RICO BLANCO AT MARIS RACAL

ANG intensiyon lamang ni Andrea Brillantes ay manood lamang ng concert na ‘Bobapalooza Music Festival 2024,’ na isa si Rico Blanco sa mga nag-perform na pinanonood ni Andrea.

Sa katunayan ay nag-pa picture pa nga ito kay Rico at talagang ini-enjoy niya ang pagiging fan girl at kanya pa itong pinost. Pero hindi maganda ang dating sa mga followers ni Rico Blanco.

“Hindi raw iniintindi ni Andrea Brillantes, ang mga banat ng mga fans ni Rico Blanco. Ang mahalaga sa kanya ay na enjoy niya ang performance ng kanyang idolo.

“Iyong nag-post ng ‘kabahan na raw si Maris,’ tinawanan na lang ni Andrea. Nanood lang siya ng concert, third party na agad ang labas?

“Hindi naman ganoon si Andrea, isa pa fan girl lang siya ni Rico, pero ang talagang ipinunta niya sa concert ay ang kaibigan niyang si JK Labajo na kasama niya sa ‘Senior High,” intrigang sagot ng aking source.