April 29, 2024

PAGBATI PARA KAY REP. ERICE, BUMUHOS PARA SA KANYANG IKA-60 KAARAWAN

MALAYO-LAYO na rin ang narating ni Egay Erice bilang lingkod-bayan. Siya ay magdiriwang ng kanyang ika-60 ngayong araw, June 15.

Si Erice ay kasalukuyang Representative ng 2nd District ng Caloocan.

Dahil sa dami ng kanyang nagawa at natulungan maraming netizen ang nagpaabot ng pagbati sa naturang kongresista para sa kanyang kaarawan.

 “Happy birthday and God bless you for your good service as a congressman in caloocan. Once you help me for my medical expenses for your medical mission. I will never forget and thankful for your good governance and generousity. I pray that god continue to bless you and have a long life to live,” ani ni  Cecile Chan.

Sabi naman  ni  Dennis Coronel Macalintal, “Sa idol ko na napakasipag umaaraw umuulan napakabait na tao totoong nagmamalasakit at nagmamahal sa mga taga caloocan salute sayo cong egay.”

Dagdag ni Ma Cecilia Bulaon, “Happy Birthday po Cong Egay Erice..maraming Salamat po sa tulong na na ibigay ninyo sa aming Brgy, Dasal ko po na wagkayong magkakasakit para marami pa po kayong matulungan..God bless po.”

“Wala sa itsura na 60 napo happy birthday po staysafe and good health,” ani ni Kate Garcia Soliva.

Hindi rin naiwasan ng ilang netizen na tawagin na mayor si Erice kasabay ng pagbati sa naturang kongresista.

“Happy bertdey sa nagiisang YORME..ng caloocan..mabuhay po kayo and god bless in yur family..” komento ni Bagsik Natac.

“Happy Birthday Congressman Egay Erice! Looking forward to be the Mayor of Caloocan. Stay healthy!” saad ni Bheng Sillano. ARNOLD PAJARON JR