May 14, 2024

PAAT AT MANABAT, UMAMBAG SA PAGREKTA NG NAKHON SA SEMIS THAI LEAGUE

Bumida sina Mylene Paat at Dindin Santiago Manabat sa pagsampa ng Nakhon Ratchasima QminC sa semis ng 2021-22 Volleyball ThailandLeague. Malaki ang naitulong ng monster performance ng dalawa sa paglikida ng Nakhon sa Khonkaen Star, 25-23, 25-17, 25-18.


Isinalang kasi si Manabat sa starting lineup. Habang si Paat ay nakabawi sa kanyang performance sa Supreme Chonburi. Lamang ng 4 points sa second frame, rumatsada ang Nakhon ng 9-2 blast. Mula rito ay ang back-to-back conversions ni Paat.


Dahil dito, naitala ng team ang 20-9 lead at naiposte ang 25-17 win. Makahaharap nila alinman sa Chonburi o Diamond Food, depende sa resulta ng laban.


Ang Nakhon ay 0-6 sa dalawang teams na maaari nilang makatapat. Ang Khonkaen ay nadapa sa 0-3 at makahaharap ang top seed sa semis.