TINATAYANG 80 kilong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P544 milyon ang nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at militar sa magkahiwalay na operasyon sa Cavite ngayong Huwebes.
Alas-8 ng umaga nang isagawa ang unang operasyon sa Blk 34 Lot 14 Hyacinth St., Camella Homes, DasmariƱas, Cavite, na ikinaaresto ng dalawang suspek na nakilalang sina Dominador Robasto Omega Jr. at Siegfred Omega Garcia.
Nakuha sa dalawa ang 60 kilong shabu na nagkakahalaga ng P408,000,000 at mga drug paraphernalia.
Sa isa pang operasyon na isinagawa naman sa Blk 11 Lot 1 Buenavista Townhomes, General Trias, Cavite, naaresto ang mga suspek na sina Elaine Maningas, Ricardo Santillan at Laurel Dela Rosa. Mahigit 20 kilong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136 milyon ang nakumpiska sa mga suspek.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA