May 18, 2024

JUSTIN BIEBER, KSI, HINAHAMON NI LIAM PAYNE NG ONE DIRECTION SA ISANG BOXING MATCH

Hinahamon si pop sensation Justin Bieber at fellow celebrity na si KSI sa isang boxing match. Ang naghahamon ay si Liam Payne, 28-anyos na isang singer. Markado si Payne bilang miyembro ng sikat na boy band na ‘One Direction’.

Kamakailan lamang, nas aring side si Payne upang suportahan si Josh Taylor sa isang boxing bout. Kung saan, idinepensa nito ang super-lightweight titles laban kay Jack Catterall.

Sapol nang mapanood ang labang iyon, tila gusto na rin ni Payne na sumalang sa lona. Inamin nito na isa siyang fan ng boxing. Sa kanyang appearance sa Impaulsive podcast, doon pinaringgan ng singer si Bieber at KSI.

If there is a chance for me to jump in the ring and feel gladiatorial in the 21st century I am in,” aniya.

I love boxing as a sport and I think it’s fantastic. I would just enjoy the challenge and the road up to it would be great,” dagdag nito.

Bukas naman aniya siya kung sino ang gusting lumaban. Pero, gusto niya ang ideyang isabong siya sinoman kina Bieber at KSI. Ang huli ay lumaban na sa isang boxing match kay YouTuber Logan Paul. Subalit natalo ang una at nanood sa labang iyon si Bieber.