May 12, 2024

P36 TAAS SA LPG SASALUBONG SA AGOSTO

Malaking pagtaas ng presyo ng “cooking gas” o liquefied petroleum gas (LPG) ang sasalubong ngayong Agosto.

Sa advisory ng Petron, epektibo ng alas-12:01 ngayong Agosto 1 itataas nila ng P3.35 kada kilo ang presyo ng kanilang LPG. Katumbas ito ng P36.85 sa kada 11-kilong regular na tangke na gamit sa mga tahanan.

Tataas din ang presyo ng AutoLPG ng nasabing kompanya ng P1.87 kada litro.

“[Price adjustments] reflect the international contract price of LPG for the month of August,” saad nito.

Una nang inamin ng LPG Dealers Association ang pagtaas ng presyo ng LPG na P2 kada kilo.


Lumalabas sa datos ng Department of Energy na naglalaro sa P720 at P981 ang bentahan ng LPG nitong Hulyo.