OPISYAL nang inilunsad ng Association of Southeast Asean Nations (ASEAN) at China ang negosasyon para i-upgrade ang Asean-China Free Trade Area (ACFTA).
Isinagawa ang anunsiyo noong Linggo kasabay ng 25th Asean-China Summit sa Phnom Penh, Cambodia, kung saan idinaos din ng Asean ang annual leaders’ summit nito.
“Upgrading the ACFTA sends a signal to the private sector and all stakeholders that both Asean and China are committed to make the ACFTA more relevant to businesses, future-ready and responsive to global challenges,” ayon sa statement na ipinoste sa Asean website.
Nabanggit din dito na ang AFTA ay ang oldest free trade deal na mayroon ang ASEAN sa mga dialogue partners nito. Nilagdaan ang framework agreement noong 2002 sa ilalim ng Arroyo presidency, dalawang taon pagkatapos imungkahi ng China ang ideya na free trade agreement.
Unti-unting bumaba ang taripa simula nang sumunod na mga taon at bumaba sa zero para sa anim na Asean countries, kabilang ang Pilipinas noong 2010 at sumunod ang natitirang regional bloc noong 2015.
“The upgraded ACFTA will cover areas of mutual interest, among them, digital economy, green economy, supply chain connectivity, competition, consumer protection, and micro, small and medium enterprises (MSMEs),” mababasa sa statement.
Ang China ay ang pinakamalaking trading partner ng ASEAN at pangalawa sa largest source ng Foreign Direct Investment (FDI). Ang to China is Asean’s largest trading partner and second-largest source of foreign direct investments (FDI). Ang kabuuang merchandise trade sa pagitan ng Asean at China ay sinabing tumaas ng 29 porsiyento sa $669 bilyon noong nakaraang taon sa kabila ng matagal na epekto ng Covid-19 pandemic.
Sinasabi rin na ang FDI flows mula China patungo sa ASEAN ay umabot sa hit $13.6 billion noong 2021, halos doble sa $7 billion na naitala sa naakraang taon at at may equivalent na 7.8 percent sa total FDI flows sa rehiyon.
“Moving forward, the upgraded ACFTA would further support these trends and momentum,” mababasa sa pahayag.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan